LP:Tamad (Lazy)
Nahirapan akong humanap ng litrato para sa linggong ito. Mga ka-pamilya ko lang naman kasi ang madalas kong kunan. At sa tingin ko, wala naman sa amin ang lahi ng tamad. Hehehe.Pero naalala kong itong kuha kong ito kay DD2 noon 2007 pa. Tulog sya nito. Sa lahat ng mga anak ko, si DD2 ang madalas mahuli kong kung saan-saan nakakatulog. May kuha akong tulog sa hagdan, sa ilalim ng upuan, sa ilalim ng kama, sa bouncer ng sanggol nyang kapatid at kung saan-saan pa. Di ba sabi nila, ang mga mahilig matulog, mga tamad? Pero hindi naman siguro totoo yun... sana.
I had a hard time looking for a picture for this week's theme. I take mostly pics of family members and I hardly consider anyone of them as lazy.
But I remembered this pic of DD2 way back in 2007. Yes, she is sleeping in this shot. I've caught her sleeping in the oddest of places and positions. I've shot her asleep on the stairs, under the ottoman, under the bed, on her baby sister's bouncer etc. They say that the lazy ones love to sleep. I hope this isn't the case with her. ;)
8 comments:
ang cute naman twinkle toes! hehehe nakakatuwa siya kahit saan natulog. Salamat sa dalaw!
mukhang tinamad na siya maghanap ng maayos na posisyon sa pagtulog. basta makatulog, ayos! hehehe
eto naman po ung akin :D
TAMAD:)
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
Hehehe, ang kyoot ng posisyon nya...Mukhang inabutan talaga ng antok. Happy LP!
kakatuwa naman at naabutan siya ng antok. may tao talagang ganito. hindi kaya nanakit ang katawan niya pagkatapos nito?
hahaha! kakaaliw ang litrato mo! may pamangkin akong ganito rin ang style...kung saan abutin ng antok, don natutulog. minsan katabi sya ng family dog natutulog sa likod ng sofa.:P
buti pa sya kahit anong pwesto nakakatulog
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
haha! apir! ganyan din ang bunso ko, nakaalbum na nga ang picture na kung saan saan natutulog. lol!
ang cute naman!!!! hehehehe
salamat sa pagdalaw!!!
Post a Comment