LP: Paboritong Litrato (Favorite Photo)

Ang hirap naman ng tema para sa linggong ito - paboritong litrato. Parang pinapipili ako ng paboritong anak. Hehehe...ang drama ba? Pero seryoso ako, hirap akong pumili sapagkat ang dami. Hindi naman dahil sa panay magaganda ang kuha ko. Yung iba naging paborito ko kasi yun yung unang pagkakataon na may sinubukan akong technique at napagana ko. yung iba naman, gusto ko kasi pakiramdam ko na-capture yung emosyon ng gusto kong kunan. And iba naman ay dahil sa sentimental value. Dito sa kategoryang ito ako pumili ng gagamiting litrato para sa linggong ito.
Ito ang kuha naming magkakapatid nitong nakaraang Pasko. Talagang naging espesyal ang Paskong iyon. Kumpleto ang aming pamilya. Sa tingin ko, ngayon din lang ulit kami nakunan ng litrato na kaming apat na magkakapatid lamang. Hindi ko maalala kung kelan yung huli - malamang mga bata pa kami nun. Nakakatuwa lang pagmasdan ang litratong ito - ang laki na ng mga nakababata kong kapatid.

2 comments:

Mia Castrillo | Thursday, April 02, 2009 8:10:00 AM

Nakakatuwa tignan kayong lahat! Sa tutoo lang, di ko na nakilala mga kapatid mo. Totoy na totoy pa sila sa aking isipan. Hahaha! But it's nice to see you all. :D God bless you always!

MommyBa | Friday, April 10, 2009 2:52:00 PM

sana nga dumating din yung panahon na magkaroon kami ng mga kapatid ko ng isang litrato ulit na magkakasama kami. seeing your photo, i'm holding on to that hope that it will happen someday soon. :)

take care!