LP: Bulaklak

Isa sa mga paborito kong bulaklak - ang tulips! Natanggap ko ito mula kay mister nitong nakaraang Balentayms. :) Meron ngang nakakatuwang kwento dyan...

Araw bago Balentayms, dumaan kami ng Costco para bumili ng bulaklak para sa byenan ko. Pabiro kong sinabi kay mister na bibili na rin ako ng bulaklak para sa sarili ko't iyon na ang Balentayms gift nya sa kin. Noong nakaraang anibersaryo kasi namin, di nya ako binilhan ng bulaklak gaya ng nakagawain.

Kaya't laking gulat ko nang ako'y gumising ng araw ng Balentayms nang makita ko ito sa banyo. Oo, sa banyo nilagay ni mister. Alam nyang yun ang unang pupuntahan ko pagkatayo sa umaga. Hehehe...

{This is one of my favorite flowers - tulips. I received this particular bouquet from DH during Valentine's Day. There is a somewhat funny story to this...

Day before Valentine's, we went to Costco to buy flowers for MIL. I told DH that I was going to buy myself a bunch of flowers too and those would be from him. And I did because during our anniversary a month ago, he failed to give me flowers like he would do every year.

And so to my surprise, this greeted me when I went into our toilet the next morning. Yes, he put it there because he knew that was the first place I'd go to immediately after getting out of bed. The funny thing is he had bought me flowers even before I ribbed him about getting myself flowers. *smile*}

3 comments:

thess | Friday, February 27, 2009 5:12:00 AM

aw ang sweet naman ni mister! pinabayaan mo bang humaba ng husto tulips mo? (^0^)

Linnor | Saturday, February 28, 2009 8:20:00 AM

galing naman ni hubby. talagang inisip nya ang unang lugar na pupuntahan mo para makita agad ang bulaklak na bigay nya.

Em Dy | Saturday, February 28, 2009 9:38:00 PM

Ang ganda ng kuha. Naka pogi points si Mister!