LP: Asul (Blue)
Ito ang aming basurahan para sa recyclables. Itim ang para sa regular na basura. Asul ang para sa recyclables. Berde ang para sa green waste.Dito nalang ako sa US natutong mag-hiwalay ng mga basura. Tama rin naman at nang makatulong kahit papano sa ating mundo.
{This is our trash bin for recyclables. A black bin for regular trash. A blue bin for recyclables. A green bin for green waste.
It was only here in the US that I learned to segregate trash. I support it fully as it is but a small way for us to help mother earth.}
14 comments:
Dito naman sa AU - Pula ang sa basura, Berde ang para sa halamanan at Dilaw ang sa recyclables.
Pwede din naman itong gawin sa atin sa PH...wag lang sanang nakawin ang mga basurahan para mapagkakitaan.
Salamat sa iyong pagdalaw kaibigan. Meron pa akong isang lahok sa http://manillapaper.com
Iba talaga ang disiplina sa pagsunod at ang sinusunod kasi hehe. Ganyan din dito-hiwahiwalay, bote (glas at plastik hiwalay), papel, bio, basura ang description. Happy LP
Magandang paalala ang larawan mo. Magandang Hwebes!
magaling ngang scheme ito, nakakatulong sa mundo :-)
ako rin, nagrerecycle kahit na minsan, nakakabanas kung mamiss yung week of collection (dahil hindi nailabas ni mister sa harapan ng bahay yung bin for collection)!
happy LP sa'yo :-)
kami nag re-recycle rin pero walang magandang containers tulad nito. walang budget.:D
Hay bisita lang para asilip ang lahok mo ,,nasabi na ni Roselle ang kulay ng aming bin sa Oz....
gandang arwa sa iyo at sumali rin ako ,,, http://aussietalks.com/2009/01/im-feeling-blue-today-litratong-pinoy.html
Hmmm... dito naman sa pagkakaalam ko ay 2 lamang - itim for rubbish at green for recycling :-)
marami pa rin ang di nakakaintindi eh? marami pa rin ang di nagsesegregate..tsk.tsk
anyway, happy LP
nandito ang lahok ko:)
http://asouthernshutter.com
Dito sa Holland ay kapareho ng 3 bins nyo. May 4th pa kami, strictly for bottles (na may 3 kulay din ang bins!)
happy lp!
Thess
Dapat talagang seryosohin na dito sa Pilipinas! Nasimulan na ito sa ibang establishments, mabuti naman.
Happy LP!
dito sa pasay may color coding na rin ang lalagyan ng basura.
happy lp sa 'yo!
i practice segregation too kaso pag dumating yung basura(truck) all in one bag na :(( kaya ayan wala na ang saving the mother earth effort ko :(
eto aken lahok
at eto pang isa
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Pareho rin dito sa Canada ang color coding ng basurahan...meron pa ngang Green bin for food waste na nabubulok at nang mabawasan ang dry waste na nakakapuno ng land fill. tama yan...sa Pilipinas meron na niyan noon pa...hindi lang sinusunod...
Hi Joy! Meron na din dito sa Pinas na ganyan pero sigurado ko meron pa ding mga pasaway. Haha!
Post a Comment