LP: Liwaliw

Ano nga ba ang Ingles ng liwaliw? Parang hindi ko maisalin sa Ingles nang maayos. Kung anu pa man ito, ito ang lahok ko sa linggong ito. Nakakailang balik na rin kami sa dalampasigan nitong tag-init. Sinasamantala ang bakasyon. Dalawang linggo nalang din kasi at balik-eskwela nang muli ang mga bata. Ang bilis din, ano? Parang di ko napansin ang 2 buwang bakasyon. Kinunan ko ito noong nakaraang Linggo. Ito na marahil ang huling punta namin sa beach para sa bakasyong ito. Kami nga'y nangitim na nang husto. Pero hayaan na. Sulit naman kapag nakikita kong masayang-masaya ang mga bata.

{What is "liwaliw" in English? I cannot seem to find a suitable translation for it. The closest I can come up with is an enjoyable trip. Whatever it may be, here is my entry for this week's theme. We've gone to the beach several times this summer. Taking advantage of summer vacation. Only 2 weeks to go and the kids go back to school. Time flies, huh? The past 2 months seemed to have just zipped by without notice. This particular shot was taken last Sunday. This would probably be our last trip to the beach this summer. We've actually gotten tanned considerably. Not my favorite thing but totally worth it when I see the kids enjoying immensely.}

15 comments:

Litzie | Wednesday, August 13, 2008 3:19:00 PM

Napaisip ako dun ha, anu nga ba ang liwaliw sa english? LOL.

Great take!

Mayet | Wednesday, August 13, 2008 3:23:00 PM

mukhang masarap ngang maglangoy dyan. pag maaraw na ganyan di ako masyadong nagtatagal sa dagat--pagkatapos kasi eh Mrs.Super Freckled Face ako. ; )

julie | Wednesday, August 13, 2008 5:17:00 PM

Ang ganda talaga sa beach ano? Yun nga lang, nakakaitim.


Tara Na, Pasyal Tayo

Normz | Wednesday, August 13, 2008 5:37:00 PM

Hello! para sa akin ang liwaliw sa english ay strolling o kaya roaming around depende siguro sa pangungusap, bisita ka rin sa akin ha.. salamat..

fortuitous faery | Wednesday, August 13, 2008 6:38:00 PM

sa palagay ko ay "frolic" ang pinakamagandang ingles na katumbas ng liwaliw. :)

ganda ng dagat!

sardonicnell | Wednesday, August 13, 2008 6:42:00 PM

one can never go wrong with the beach, pagdating sa pagliliwaliw!

karmi | Wednesday, August 13, 2008 7:49:00 PM

beach. :)
matagal-tagal na rin akong di nakakapunta ng beach.. parang ang sarap dyan.. ^_^

--karmi
http://kundiman.net

etteY | Wednesday, August 13, 2008 8:36:00 PM

bukod sa mall beach talaga masarap pagliwaliwan (gulo ba?!) lol

lino | Wednesday, August 13, 2008 9:27:00 PM

wala nga rin akong maisip na direct translation eh, hehehe...happy huwebes... :)



http://linophotography.com

Munchkin Mommy | Thursday, August 14, 2008 12:00:00 AM

lahat yata tayo ay sangayon na masarap magliwaliw sa beach! :)

happy huwebes!

Munchkin Mommy: Liwaliw sa Palisades Park
Mapped Memories: Liwaliw sa Mustangs at Las Colinas

Em Dy | Thursday, August 14, 2008 1:30:00 AM

Ang ganda ng kuha mo. Pwedeng cover ng Lonely Planet. Isali mo kaya sa contest nila. Magandang Hwebes!

ScroochChronicles | Thursday, August 14, 2008 1:57:00 AM

oo nga ano..ano nga ba ang liwaliw sa ingles. hmmm..

linnormarikit | Thursday, August 14, 2008 9:51:00 AM

tiyak maraming baon na magagandang kwento tungkol sa beach ang mga kids mo pagbalik sa eskwela... :)

marikit | Thursday, August 14, 2008 9:34:00 PM

ang ganda siguro ng kabuuan ng beach na yan :)

mirage2g | Friday, August 15, 2008 1:57:00 PM

Isang linggo akong nasa beach pero di ako magsasawa doon s dami ng pwede kong kunanan ng litrato (hindi para magswimmin hehe). Ganda ng blue, paborito kong kulay! Happy LP!