LP#5: Malungkot (Sad)

You may not understand it
You may not appreciate it
You may not see it
This is for your own good
You will see
You will appreciate
You will understand
This is because I love you.

{Maaaring di mo naiintindihan
Maaaring di mo nagugustuhan
Maaaring di mo nasisilayan
Ito'y para sa iyong kapakanan.
Masisilayan mo
Magugustuhan mo
Maiintindihan mo
Ito'y dahil sa pagmamahal ko sa iyo.}

10 comments:

Nina Lumberio | Thursday, May 01, 2008 1:37:00 PM

Malungkot ba sya dahil sya ang assign sa pagtapon ng trash? :) Salamat sa pagbisita. Maligayang Araw!

lidsÜ | Thursday, May 01, 2008 6:12:00 PM

aww... nakaka-awa naman sya...
magandang araw sa'yo...

Teys | Thursday, May 01, 2008 8:05:00 PM

naiintindihan ko ang sentimyentong iyan... mahirap pero kailangan lalo na kung mahal na mahal mo lalo pa't ito'y iyong anak.... :)

happy LP, Joy!!!

Haze | Friday, May 02, 2008 12:00:00 AM

nararamdaman ko ang lungkot niya. kahit labag sa loob, kailangan matuto dahil mahal mo. =)

maligayang LP!

alpha | Friday, May 02, 2008 5:09:00 AM

naku nalulungkot ba sya kasi nautusan hehehe..

DigiscrapMom | Friday, May 02, 2008 6:35:00 AM

tama ka nga...kelangan nilang matuto...paglaki nila, malalaman din nila ang halaga ng ginawa mo :)

leapsphotoalbum | Friday, May 02, 2008 9:25:00 AM

Kadalasan hindi naiintindihan ng mga bata kung bakit kailangan nilang tumulong sa kanilang mga magulang... ang pag tapon ng basura o pagawa ng anumang gawaing bahay ay makakatulong sa pag hulma ng kanilang character sa pagtanda.

Iris | Saturday, May 03, 2008 12:51:00 AM

hay the things we moms have to endure.. :) pero kailangan eh, para lumaki ng tama.

gladys rea | Saturday, May 03, 2008 9:47:00 AM

parang ganyan din ako nun bata ako ah.. pag napagalitan ako naku magmamaktol na lang ako sa isang tabi hanggang mapansin ng magulang at aamuhin ulit.. hehe

Dragon Lady | Sunday, May 04, 2008 8:31:00 AM

naku, ngayon lang ako nakabisita joy! salamat sa iyong pagkomento sa aking 'malungkot' na lahok... naka-block ang iyong site sa aming opisina kaya ngayon lang ako nakadaan dito.

nakakatuwa naman ang litratong lahok mo, pati na rin ang kasamang akda/tula! naalala ko tuloy nung isang buwan akong nagbakasyon/namalagi sa bahay nang ate ko dyan din sa CA... ibinilin nya rin sa akin ang wastong pagtatapon nang basura at ang paglalagay nitong malalaking garbage bins sa harap nang bahay! :D