Litratong Pinoy:Apat ng Kanto

It's Thursday once again and time for this weekly meme. This week's theme is "Four Corners". It would seem that finding a photo for this theme would be easy. Afterall, aren't four-cornered things commonplace? I was still a little stumped though because I wanted to make sure I took an interesting shot. And what a mighty fine time for my creative mojo to take a vacation. I just could not think of anything creative! So, I scoured my hard drive for photos that I could use.
Huwebes na naman po at panahon na naman upang makilahok sa lingguhang meme na ito. And tema ngayong linggo ay "Apat na Kanto". Bagaman mukhang madali ang paksa (hindi ba't nagkalat ang mga gamit na may apat na kanto?), nahirapan din ako ng bahagya. Nais kong gawing interesante syempre and kuha ko. Eh, naitapat pang nagbabakasyon ang aking creative mojo at wala talaga akong maisip. Hinalughug ko nalang ang kompyuter ko at naghanap ng maayos-ayos na kuha...

Here is what I found.
Heto ang na-diskubre ko.

This square pot. I really have not an ounce of green thumb anywhere within me. Plants just don't like me. All plants I've ever attempted to grow have died on me. Believe it or not, I've even managed to kill cactus. I watered it too much and it drowned. But I haven't given up. Here I am, trying again. This time, I'm trying to grow some ornamental grass to decorate my space. Hope I succeed.
Ang apat na kanto ng paso na ito. Walang hilig ang mga halaman sa akin. Lahat nga ng inaalagaan kong halaman namamatay. Maniwala ka't sa hindi, pati cactus hinid umubra sa akin. Nalunod ko sa sobrang pagdidilig! Pero di pa rin ako sumusuko. Heto't sumusubok ulit na magpalago ng ornamental grass. Sana nga ay magtagumpay.

Yahoo! I can submit my blog now to become a full-fledged member of this group! Woohoo!
Yehey! Pwede ko nang isumite ang blog ko para maging ganap na kasapi ng grupo. Woohoo!

8 comments:

MrsPartyGirl | Thursday, April 17, 2008 10:31:00 AM

hehe, ako rin walang green thumb. :) good luck! nawa'y maging matagumpay ka sa pagpapalago ng iyong ornamental grass. :)

MyMemes: LP Parisukat
MyFinds: LP Parisukat

Thess | Thursday, April 17, 2008 1:03:00 PM

Hi Joy!
Ang ganda naman ng paso mo...goodluck sa pag-aalaga at sana lumaki silang malusog at kaaya-aya :D

thesserie

lidsÜ | Thursday, April 17, 2008 6:18:00 PM

ang ganda ng iyong mga parisukat na paso! sana'y lumago ang iyong tanim na damo!
magandang araw sa'yo!

emoterang nurse | Thursday, April 17, 2008 10:29:00 PM

ang ganda naman ng mga paso...parisukat talaga...
ang cute naman...:)

magandang araw...:)

Teys | Friday, April 18, 2008 1:39:00 AM

magandang libangan ang pagtatanim, lalo't nakikita mo ang bunga ng iyong pagsisikap. Sana'y magtuloy tuloy na ang paglaki nila at malunod lang sila sa iyong pag-aaruga at pagmamahal :)LOL

magandang LP, Joy!

yvelle | Friday, April 18, 2008 8:49:00 AM

nice pot! nice picture.. happy wkend! :)

leapsphotoalbum | Saturday, April 19, 2008 1:57:00 AM

so far so good... mukhang buhay pa naman ang mga damo mo. gusto ko itong picture mo... parang zen... pang magazine shot.

chinois972 | Saturday, April 19, 2008 3:48:00 AM

Sorry medyo nahuli sa pagdalaw... ;)

Anyway, sobrang natuwa naman ako sa mga paso mo - so "Zen-like" - I LIKE! Hahaha!

Till next Thursday. Welcome to LP, Joy!