LP: Almusal at Tanghalian (Breakfast & Lunch)

Ito ang lahok ko para sa nakaraang linggo - almusal. Hindi ito ang normal naming almusal. Madalas ay kapag pasko namin niluluto ito. Hindi kasi ito ang karaniwang "hot chocolate". Ito ay ang masarap na tsokolate na niluluto pa talaga mula sa tablea. Hindi "instant". Mas matrabaho gawin pero sulit naman kasi talagang masarap. Sabayan pa ng tinapay na may matikilya. Isawsaw ang tinapay sa tsokolate at lasapin! Ayus!

{This is my entry for last week's theme: breakfast. This really isn't the normal breakfast we have. In fact, I associate this with Christmas. This isn't the ordinary hot chocolate that you just add hot water to. This is the honest-to-goodness real deal that you have to cook from its tablea form. It requires more work but is sooo worth it. Have it with pandesal and butter. Dip the pandesal into the hot chocolate and savor. Yummy!}
Para naman sa tanghalian, ito ang paborito ko. Meron kaming pinupuntahan na lugar dito sa may amin na may espesyal na all-you-can-eat sushi lunch. Kapag ginaganahan kami ni mister, kumakain kami dito. Madalas di na kami nag-aalmusal para sulit ang kain sa tanghali. Hehehe.

{For this week's theme of lunch, I want to share this photo of my favorite lunch ever. DH and I have this special place we enjoy going to because they have an all-you-can eat lunch sushi special. When we're in the mood for some sushi, this is where we go. Oftentimes, we skip breakfast altogether and just go straight to this sushi lunch.}

5 comments:

ian | Thursday, August 13, 2009 3:18:00 PM

naku. japanese food at tsokolate ang dalawa sa pinakapaborito kong uri ng pagkain sa mundo! ang sarap ng lahok na ito! =]

saan yang eat all you can japanese resto na yan?!

HiPnCooLMoMMa | Thursday, August 13, 2009 6:38:00 PM

alam mo para di ka masyado mahirapan sa tablea, i pre-grind mo na sya, ganun ginagawa ko, parang instant na din.

sarap naman nung all you can eat sushi, isa sa mga fave ko ang japanese food. salamat sa dalaw ^_^

Marites | Friday, August 14, 2009 1:46:00 AM

dati kaming gumagawa na ganyan na tsokolate, mahirap at matrabaho nga pero sulit naman. hindi pa ako nakakapunta ng all-you-can-eat sushi :) masubukan nga minsan. maligayang LP!

missy | Friday, August 14, 2009 9:26:00 AM

nakooo paborito ko ang mainit na tsokolate sa umaga!!!

salamat sa pagdalaw!!!

Happy LP

ohmygums | Sunday, August 16, 2009 9:45:00 AM

di ko pa natitikman yung tablea pero mukha talagang malasa... gusto ko ang sawsaw ng tinapay:)