LP:Kadiliman

Minsan, kinakailangan din ang kadiliman upang masinagan nang lubusan ang kagandahan ng isang bagay. Tulad nalang nitong lusis nung huling pagdiriwang namin ng Fourth of July. Hindi pareho ang dating kung sinidihan ito nang mataas pa ang araw, di ba?

{Sometimes, darkness is needed to fully appreciate one's beauty like this sparkler we lit up during our most recent Fourth of July celebrations. It would not have had the same effect had we lit this while the sun was up}

Gusto ko ring isipin na totoo din ang konseptong ito pagdating sa tao. Oo nga't maraming natatakpan na pangit ng kadiliman. Ngunit mas gusto kong isipin na mas tumitingkad din ang kagandahan ng isang tao sa panahon ng kadiliman. Bilang mga Kristiyano, yan ang hamon sa atin - na mas patingkarin ang ilaw ng ating pananampalataya sa mga panahon ng kadiliman. Kapag nasasabak ka ba sa mga madidilim na panahon ay tumitingkad ang ilaw na nasa sa iyong puso? Ang dasal ko para sa sarili ko ay na maging totoo ito sa buhay ko - na kahit na nababalot ng kadiliman ang mundo ko, sana'y maging tulad ako ng lusis na ito.

{I'd like to think that the same is true of people. Yes, darkness covers a lot of flaws. But I'd rather think that it is also in darkness that the true beauty of people shine. As Christians, that is what we are called to do - to let our faith shine even more brightly during dark and difficult times. When amidst dark and trying times, does the light in your heart shine brightly for others? That is precisely my prayer for myself - though my life may be enveloped by darkness, I may be like this sparkler shining brightly in the night.}

Other LP entries here!

9 comments:

Four-eyed-missy | Wednesday, October 29, 2008 11:15:00 PM

Hi Joy... agree ako sa sinabi mo - kailangan maranasan ang kadiliman para ma-appreciate ang liwanag. And it holds true across many levels.
Magandang Huwebes din sa iyo dyan :)

Anonymous | Wednesday, October 29, 2008 11:19:00 PM

ang cute naman! magandang LP sa iyo!

Marites | Thursday, October 30, 2008 1:08:00 AM

sang-ayon ako diyan. kailangang makaranas ng kadiliman para lang na malaman ang kahalagahan ng liwanag.

admin | Thursday, October 30, 2008 5:01:00 AM

ay correct ka Joy, hindi natin makikita ang liwanag kapag walang dilim hehe

http://jennytalks.com/2008/10/litratong-pinoy-kadiliman.html

miss ka na namin ng mga Bebots

Anonymous | Thursday, October 30, 2008 5:22:00 AM

makahulugang repleksyon para sa isang magandang larawan.

maligayang h'webes at salamat sa pagdalaw :-)

JO | Thursday, October 30, 2008 4:17:00 PM

ang tagal ko ng di nakahawak ng ganyan... salamat sa pagbisita mo sa blog ko.

http://www.joarduo.com

purplesea | Thursday, October 30, 2008 7:43:00 PM

sa new year gusto kong makakuha ng maraming magagandang shots ng fireworks na tulad nito.

Happy LP!

sweetytots | Thursday, October 30, 2008 9:29:00 PM

parang new year na.. !I am hosting a giveaway in my new site sweetytots and I'd like to invite you to join in I'm giving away a 3pc musical toy set perfect for your baby. Click here to join.

RoseLLe | Friday, October 31, 2008 2:18:00 PM

tama talaga...mas maganda ang liwanag kung madilim. :)
sana'y madalaw nyo din po ang aking mga lahok: Reflexes at
Living In Australia