LP #7: Umaapoy

Humihingi ako ng paumanhin sa aking kapwa litratista at hindi ako nakasali nung nakaraan linggo. Ako'y naging abala at nang mapansin ko'y gabi na ng Huwebes dito, Ipinagpasya kong wag nalang muna sumali nung isang linggo.

{Please excuse me, my fellow photographers for not joining you the past week. I became busy and before I knew it, it was already Thursday evening my time. I decided then not join anymore for the week.}

Ito sana ang ilalahok kong litrato. Ito ay ang Birheng Maria na nakaukit sa dahon. Ito'y ibinigay sa akin ng aking tatay nung sya'y nanggaling sa Mexico ata.

{This was supposed to be my entry. This is the Virgin Mary etched out of a leaf. My dad gave this to me when he traveled to Mexico one time}

Para naman sa linggong ito, napili ko ang kuhang ito ng aming fireplace nung nakaraang bisperas ng bagong taon. Hindi namin madalas nagagamit ang fireplace pagkat hindi naman gaanong lumalamig dito sa amin.

{This week, I've chosen this picture of our fireplace taken last New Year's Eve. We don't get to use it often because it does not get very cold where we are.}

Ito'y isang gas fireplace. Hindi tunay na kahoy ang ginagamit dyan. Naalala ko tuloy ang kwento ng aking kapatid tungkol sa kanyang kaibigan na bagong salta dito sa Amerika. Ito raw ay nagbukas ng fireplace sa kanyang apartment. Nang napansin nyang napalakas ang apoy ay nais na nyang patayin ito kaya't binuhusan nya ng tubig. Hayun at nasira ang fireplace. Gas pala ang fireplace nya.

{This is a gas fireplace. Those aren't real wood. I remember my bro's story of his friend who was new here. He turned on the fireplace in his apartment. When he noticed that the flames were a little too high, he dumped water on it to put off the flames. Of course, that broke the fireplace. He did not know it was a gas fireplace!}

10 comments:

Thess | Thursday, May 15, 2008 12:47:00 PM

Hi Joy!

Ang cute ng fireplace mo, napaka neat talaga ng gas....ours was the conventional, kaya ipinaalis na namin, kakainis linisin eh

hanggang sa susunond na LP :)

Thess

Kaje | Thursday, May 15, 2008 4:03:00 PM

hi joy!

meron palang gas fireplace! hahah ignorante ba? at least ngayon alam ko, hindi ko bubuhusan dapat agad ng tubig basta-basta heheh ;)

happy lp!

http://kajesalvador.com

Anonymous | Thursday, May 15, 2008 4:08:00 PM

hello joy!

maraming salamat sa pagdalaw sa aming blog. :)

kahit malamig dito sa amin, bihira ang mong makikita ang mga fireplace sa mga bahay. drought kasi dito at siguro takot sila sa sunog, kaya madalas de-kuryenteng kasangkapan ang gamit.

Leah
http://leahjoseph.com

lino | Thursday, May 15, 2008 7:06:00 PM

magandang araw ng biyernes, sensya na late din ako, hehehe....


http://linophotography.com

lidsÜ | Thursday, May 15, 2008 8:14:00 PM

naku@ delikado pala yan! haha! pero ang ganda! :)
magandang araw sa'yo!

Dyes | Friday, May 16, 2008 3:51:00 AM

tatandaan ko yang tungkol sa gas fireplace para pag nakakita ako ng ganun, hindi ko bubuhusan ng tubig! hehehe!

ang ganda ng fireplace nyo :)

alpha | Friday, May 16, 2008 5:01:00 AM

gusto ko din ng fireplace joy! in a million years pa hehehe

Unknown | Friday, May 16, 2008 6:40:00 AM

ang ganda naman ng mga litrato mo! lalo na un imahe ng Birheng Maria sa dahon. :) sadyang nakakamangha! ang sarap naman tumambay sa tabi ng fireplace nyo sabay kain ng smores at hot choco. :) mabuhay LP!

Anonymous | Saturday, May 17, 2008 7:07:00 AM

Hi Joy! So loved the Virgin Mary etched on the leaf - so artistically done! :)

Your story on the gas fireplace also made me smile - katuwa talaga ang mga "bagong salta" stories usually e...

Have a great weekend!

fortuitous faery | Saturday, May 17, 2008 7:29:00 AM

ang galing ng dahon na may larawan ni mama mary! at ang ganda ng fireplace niyo! dito sa amin malamig, pero wala kaming fireplace! haha.