Litratong Pinoy:Ako ay Bilog/Tatlo ang Sulok Ko

May bagong meme na binuo para sa mga litratistang pinoy blogger. Nakakatuwa ang isa sa mga patakaran nila - kailangang isulat sa Tagalog ang mga akda. Ang hirap ah! Huli akong nagsulat ng diretsong Tagalog ay nung kumuha ako ng apat na semestreng kurso sa Pilosopiya sa kolehiyo. Mahigit na sampung taon na ang nakaraan mula nun. Nangangalawang na ang aking pagta-tagalog. Pero tama na rin ito at nang ma-ensayo ko naman ang wika ng aking bayang magiliw. Hehehe...
{There is a new meme formed for Filipino photo hobbyist/blogger. It's amusing to see one oftheir requirements - to write the entries in Tagalog. Quite difficult. The last time I had written anything in straight Tagalog was when I took 4 semesters of Philosophy in college. That was more than 10 years ago. I've gotten rusty since then. But I suppose this is just right so that I'd be able to practice the use of my native tongue. Hehehe...}

Nagsimula na sila nung isang linggo. Hahabol nalang ako kaya dalawang litrato ang ilalathala ko ngayon.
{They started last week. I'm trying to catch up so I'm posting 2 photos today.}

Una, "Ako ay Bilog". Kinunan ito sa Disney's California Adventure nung huli kaming pumaroon. Ito ay parte ng kanilang Electrical Parade.
{First, "I am a circle". This was taken at Disney's California Adventure the last time we were there. This is part of the Electrical Parade.}








Pangalawa, "Tatlo and Sulok Ko". Hindi ba't tatlo ang sulok ng bawat kulay ng makulay na payong na ito? Regalo ito ng biyenan ko sa anak kong babae. Parati raw kasi syang naghihiram ng payong kapag sila'y lumalabas. Mas mabuti na nga namang may sarili-sarili silang payong di ba?
{Second, "I have Three Corners". Doesn't each colored panel of this colorful umbrella have three corners? This was a gift of MIL to DD1. MIL says DD1 always borrows her umbrella when they go out. Much better that they each have their own umbrella, don't you think?}

14 comments:

Nina Lumberio | Thursday, April 10, 2008 12:31:00 PM

Ang galing naman nung bilog pati yong tatsulok. Nakaka miss yong payong di kasi uso dito yan...

May tatsulok na rin ako :)

Thess | Thursday, April 10, 2008 1:23:00 PM

Ang cute ng bilog, turtle sya? at gusto ko yung umbrella napaka colorful =)

welcome sa LP..at hanggang sa susunod na Huwebes!!

Thesserie

Munchkin Mommy | Thursday, April 10, 2008 1:25:00 PM

hindi ko naisip ang payong. :) ang ganda ng mga kulay ng payong mo. :D
mabuhay!

Mapped Memories
Munchkin Mommy

chinois972 | Thursday, April 10, 2008 1:50:00 PM

Ang ganda ng mga lahok mo :) At iyong payong - sa dami ng kulay, tiyak ko di mawawala sa "crowd" ang anak mo! Double purpose, di ba? ;)

Welcome sa LP! Hanggang sa susunod na linggo!

PS Ang ganda ng "About Me" portion ng blog mo - napaka-uplifting. Looking forward to more posts to come!

Sue Jones | Thursday, April 10, 2008 3:13:00 PM

I'm going to be the odd one out and comment in English! lol
I love your photos Joy. That umbrella one is so bright and happy.

cecille | Thursday, April 10, 2008 4:08:00 PM

hi joy!
nice to meet you:) ang galing galing ng kuha mo sa electric parade! ako kasi maski anong gawin ko noon, hindi ko ma-perpekto ang pag-kuha sa ganitong ...setting! ang hirap tagalugin sorry:)
at ang payong na makulay...ang gaganda ng kulay!

lidsÜ | Thursday, April 10, 2008 6:37:00 PM

napaka-ganda ng makukulay mong litrato! paborito ko talaga ang mga pagong kaya't tuwang-tuwa ako sa iyong bilog... at ang ganda ng kulay ng payong mo!
magandang araw sa'yo!

Dyes | Friday, April 11, 2008 12:58:00 AM

nakakatuwa ang bilugang pagong mo. at ang iyong tatsulok ay maaari ring maging bilog :)

alpha | Friday, April 11, 2008 5:07:00 AM

salamat joy sa comment ha.. ang galing ng kuha mo sa umbrella, pati kulay, buhay na buhay.. sa huwebes ulit :D

alpha
http://alphadf.com/

Teys | Friday, April 11, 2008 9:11:00 AM

oo nga joy, nakisawsaw suka na din ako kasi nakakaaliw, swak sa panlasang pinoy :) aabangan ko ang sunod mong mga nag-gagandahang lahok... hanggang sa muli!

tisya

Garynka | Friday, April 11, 2008 11:04:00 AM

LOL, Joy, just a plain English comment here :)
I love your photos, the bright colors on that umbrella are amazing! I adore your header. That kit from Catscrap is on my wish list for several weeks now :)
Wishing you a wonderful weekend!

Hugs,
Gabi

Lizeth | Friday, April 11, 2008 8:41:00 PM

alam mo joy, simple pero ang cute ng photos mo :) ang ganda :)

welcome to LP!

MrsPartyGirl | Monday, April 14, 2008 3:12:00 PM

ang ganda ng litrato ng payong, napaka-makulay :) hanggang sa susunod na huwebes! :)

ps. tulad ni pinky (chinois972), natuwa rin ako sa "about me" mo. :)

MyMemes: LP Tatsulok
MyFinds: LP Tatsulok

Kaje | Tuesday, April 15, 2008 6:38:00 AM

katuwa ang kulay ng mga tatsulok mo :)

http://kajesalvador.com