LP: Luma Na (It's Old)

This is the tricycle of the kids. It was given to us by one of their older cousins once she grew too big for it. Look at it... though it is weathered and worn, it still works well. It works good enough that DD3 can still use it. Truth be told, DD3 cannot reach the bike pedals yet but she insists on riding it when we are out. Perhaps she sees her older siblings in their own bikes and so wants to get on one too. She is little miss copycat, after all. Since she cannot reach the pedals yet, she just uses her feet to push on the ground to make her move. On good days, DH or I will push her on her trike. That hurts our aging back though so it does not happen very often! LOL!

{Ito ang trysikel ng mga bata. Nanggaling pa ito sa nakakatandan nilang pinsan. Noong kinalakihan na nya, binigay na nila sa amin at kami naman daw ang may maliit na bata. Tignan mo nga naman at kahit luma na ay matibay pa rin. Umabot pa kay DD3. Sa totoo lang, di pa abot ni DD3 ang mga pedal pero nagpipilit syang sakyan ito kapag kami'y nasa labas. Nakikita nya siguro ang mga kapatid na nasa kani-kaniyang bisikleta na. Gaya-gaya kasi itong si liit. Kaya't kahit di abot ang mga pedal, sakay pa rin at pumapadyak nalang sa daan para makaandar. Kapag sinipag ang kanyang mga magulang ay naitutulak din. Pero ang sakit sa likod ha...kaya minsan lang yun! Hehehe...

Sa mga nagtatanong nga pala kung bakit malapit sa kusina ang kompyuter ko, tumpak ang mga nagsabi na multi-tasker ako! Hehe... Para habang nagluluto, pwede pa ring pasilip-silip sa kompyuter. O kaya't habang naglalaro ang mga bata, ako nama'y naandito.}

6 comments:

Pea in a Pod | Thursday, October 09, 2008 2:48:00 PM

Ang ganda nga pa naman..Ganda din ng kuha Joy! Good pm to you;-)

Anonymous | Thursday, October 09, 2008 4:58:00 PM

Maganda talaga pag maraming pinsan,maraming nagpapamana :)
http://www.fickleminded.net/2008/10/08/lp-luma-old/

Marites | Thursday, October 09, 2008 6:14:00 PM

ganda ng kuha mo:) ganyan talaga ang kids pag gusto ang laruan talaga magsisikap. :) pasyal ka rin sa LP lahok ko.

JO | Thursday, October 09, 2008 7:10:00 PM

hindi halatang luma.

Eto ang aking lahok. Salamat po.

HiPnCooLMoMMa | Thursday, October 09, 2008 7:34:00 PM

i love the angle

Tylertopia | Friday, October 10, 2008 7:02:00 AM

LOVE that picture Joy!!