LP#8: Tubig (Water)

Uminit nang husto nitong nakaraang linggo dito sa amin kaya't naisipan kong ilabas itong nabili kong sprinkler head sa Target para makapaglaro ang mga bata.

{There was a heat wave the past week here so I brought out this sprinklet head I bought at Target so the kids could play.}

Naalala ko ang kabataan ko. Wala kaming sprinkler pero nakakapaglaro kami nun sa ulan. Naaalala ko ang saya maglaro sa ulan! Ano nga ba ang meron at patok na patok kapag pinagsama ang tubig at bata?

{I remember my childhood. We did not have a sprinkler but we would play in the rain. I remember how much fun it was! What is it with water and kids? You can never go wrong with this combination.}

18 comments:

mirage2g | Wednesday, May 21, 2008 10:57:00 PM

Totoo nga na iba ang dating ng tubig sa mga bata´, naalala ko ang kantang, kung ang ulan ay parang tsokolate.

Ang aking mga anak ay laging tumatalon sa naipon tubig sa daan pagkatapos ng ulan...kahit na nababasa ay natutuwa sila. Gandang Huwebes!

Joy | Wednesday, May 21, 2008 11:03:00 PM

Yung kanta ba ni Barney ang sinasabi mo? Nakaktuwa nga iyun!

Mrs. E | Wednesday, May 21, 2008 11:12:00 PM

sarap ngang maglaro sa tubig! :)

RoseLLe | Wednesday, May 21, 2008 11:14:00 PM

ayyy! ako din naliligo sa ulan dati :D sarap kasing mabasa!! magandang araw sa iyo. salamat din sa iyong pagdalaw.

RoseLLe (Reflexes)

etteY | Wednesday, May 21, 2008 11:44:00 PM

ganda ng kuha! maligayang huwebes sayo!

@-->---- | Thursday, May 22, 2008 12:19:00 AM

talagang ang sarap panoorin ng mga bata na nage-enjoy ano?

=)

Kaje | Thursday, May 22, 2008 12:34:00 AM

presko kasi magtampisaw sa tubig! :)

gandang huwebes, joy! :)

http://kajesalvador.com

julie | Thursday, May 22, 2008 4:29:00 AM

Mirage, kakaturo ko lang ng kantang yan sa mga batang tinuturuan ko last week :D

Masarap magtampisaw sa tubig, kaya lang dapat tignan din kung malinis o hindi :D

stranger by the day | Thursday, May 22, 2008 7:52:00 AM

nakaka miss na nga maligo sa ulan. nagawa ko ulit yon sa isang teambuilding namin 3 years ago na inulan. sobrang saya!! hehehe!

komski kuno | Thursday, May 22, 2008 10:24:00 AM

oo nga, naliligo kami dati sa ulan, ata, hehehe, tas after hihikain na ako, hehehe. di pwede sa akin yun.

lino | Thursday, May 22, 2008 3:43:00 PM

ganda ng kuha... magandang araw ng biyernes...


http://linophotography.com

lidsÜ | Thursday, May 22, 2008 4:20:00 PM

ang saya naman! hahaha!
magandang araw sa'yo!

Nina Lumberio | Saturday, May 24, 2008 3:29:00 AM

Masarap talaga maglaro ng tubig! Dito mainit ang tubig nagyon dahil summer. kailangan pa palamigin para magamit pampaligo.

Lizeth | Saturday, May 24, 2008 3:24:00 PM

naliligo din kami sa ulan..kami ng mga kapatid ko nung bata pa kami :)nakakatuwang alalahanin. :)

ayan! naalala ko tuloy..magdidilig pa pala ako :)

niceheart | Saturday, May 24, 2008 3:33:00 PM

Nung maliliit pa kami, lagi kaming pinagsasabihan nang matatanda na "huwag maglandi sa tubig." Ibig sabihin, wag maglaro sa tubig, like a water puddle.

Teys | Sunday, May 25, 2008 7:22:00 AM

totoo yan, joy. patok talaga sa tsikiting ang tubig... pag masyadong matagal ang anak ko sa pagligo alam na alam kong naglalaro na sya nang tubig dun sa loob ng banyo :)

gandang araw!

Dyes | Wednesday, May 28, 2008 2:30:00 AM

presko kasi at masarap paglaruan ang tubig :)

salamat nga pala sa pagdalaw!

btw, lakers fan ka rin? yey! nakuha nila ang game 4!!!

Joyce | Monday, June 02, 2008 11:12:00 AM

ang ganda naman ng picture na to sis..love the effect too