Litratong Pinoy: Hugis ay Pahaba

Alam kong Miyerkules palang dito sa kinaroroonan ko ngunit Huwebes na sa kabilang hati ng mundo. Ako'y magiging abala bukas kaya't minabuti kong ilathala na ngayon ang lahok ko para sa lingguhang meme na ito. {I know it's only Wednesday here but it's already Thursday in the other half of the world. I will be busy tomorrow so I thought it best to post my entry now for this weekly meme}

Ito ang paanan ng aming bagong kama. Sa wakas ay nagkarun na rin kami ng kama. Labis sa walong taon na kaming mag-asawa. Sa walong taong iyon, meron naman kaming hinihigaan, pero matres lang na nakapatong sa box spring. Nauna naming isa-ayos ang iba't ibang kwarto ng bahay. Nainip na si mister at nagtanong kung kelan ko ba raw aayusin nang lubusan ang kwarto naman namin. Sabi ko'y wala kaming pondo. Kaya't nung dumating ang pera mula kay Uncle Sam(tax refund), nagpunta na kami sa tindahan at bumili ng kama. Haay, pakiramdam ko'y mature na kami! Hahaha. Mas masarap din palang matulog kapag maganda ang hinihigaan ano?{This is the foot rail of our new bed. We finally have a bed. We've been married for a little over 8 years. In those 8 years, we've had a bed to lay on but it was a simple mattress atop a box spring. We fixed up the rest of the house first. DH asked when I would finally fix up our room. I told him we didn't have funds for it. So, when our tax refund came, we immiediately headed for the furniture store and bought a decent bed. Sigh... I feel so mature having a real bed! LOL! It feels good to be laying on a beautiful bed, doesn't it?}

20 comments:

espiyangmandirigma | Wednesday, April 23, 2008 2:47:00 PM

Salamat sa iyong pag bisita sa aking blog... Kay gaganda rin nang iyong mga kuha... Tulad nalang nitong iyong isinali sa Litratong Pinoy... Simple ngunit maganda ang kulay pati na ang komposisyon...

 gmirage | Wednesday, April 23, 2008 3:16:00 PM

Kakaibang perspektibo ang ginamit mo! Ok naman din ang mala-Hapong kama pero mas mukhang mas Ok itong bago...Maraming mga mahihimbing na tulog para sa inyo! Maligayang LP!

lidsÜ | Wednesday, April 23, 2008 6:30:00 PM

naku! gusto ko tuloy ngayon umuwi at matulog muli!
magandang huwebes sa'yo!

Lizeth | Wednesday, April 23, 2008 6:55:00 PM

ang ganda naman ng bago mong kama!! kita mo at least kahit huli..napaganda naman :)

happy thursday!

yvelle | Wednesday, April 23, 2008 7:16:00 PM

mukhang matibay ang bago mong kama. nice shot! have a nice day! :)

http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-4-hugis-ay-pahaba.html

lino | Wednesday, April 23, 2008 7:38:00 PM

mukhang mabigat yang kamay nyo ah... pero mukhang masarap din tulugan... magandang araw ng huwebes...


http://linophotography.com

TeacherJulie | Wednesday, April 23, 2008 7:42:00 PM

Ganda ng bago mong kama!

Maligayang araw ng Huwebes :)

http://greenbucks.info/2008/04/24/litratong-pinoy-pahaba/

Eds | Wednesday, April 23, 2008 10:26:00 PM

ang ganda naman ng iyong bed! magandaang iyong lahok! magandang huwebes!

http://edsnanquil.com/?p=634

Thess | Thursday, April 24, 2008 12:06:00 AM

kay ganda naman ng bago mong kama, saka totoo na masarap nga humiga sa ganyan, lalo na katabi mo syempre ang mahal mong asawa :)

hanggang sa susunod na Huwebes!

Thess

linnor | Thursday, April 24, 2008 2:13:00 AM

happy sleeping!

Linnor
http://linnor.marikit.net/

iris | Thursday, April 24, 2008 3:57:00 AM

hi! i like the perspective of your photo :) congrats on the new bed. hehe

naptimerocks.com

H2OBaby | Thursday, April 24, 2008 4:52:00 AM

Parang masarap ngang matulog dyan sa kama niyo! Ganda pa ng pagkakakuha mo! :)

Tylertopia | Thursday, April 24, 2008 8:11:00 AM

Nice! We've been married for 5 years and have yet to get a beautiful real bed too! hehe. Love the angle of this photo and your comforter is gorgeous. :o)

Kaje | Thursday, April 24, 2008 8:42:00 AM

ang ganda ng kamang nabili ninyo!! isang magandang regalo para sa inyong mga sarili, aba!! :) wala nang mas nakakarelaks sa pagtulog sa komportableng kama :)

http://kajesalvador.com

Tes Tirol | Thursday, April 24, 2008 12:30:00 PM

ako din gusto ko ng kamang totoo, kasi ang amin ay kutson lang, maaari bang makisiksik sa iyong malambot na higaan? :)

Munchkin Mommy | Thursday, April 24, 2008 1:56:00 PM

buti pa kayo may nakuha kay uncle sam na tax refund! :D kami wala! huhuhu! i-enjoy ninyo ang bago ninyong higaan. :)

Mga Pahaba sa Dallas
Mga Pahaba sa Houston

Unknown | Friday, April 25, 2008 4:49:00 AM

mukhang matibay ang kama na yan ha.. at maganda ang bedsheet! :) ang sarap naman matulog lalo na kasama mo ang mahal mo. :) Maligayang LP! :)

alpha | Friday, April 25, 2008 7:34:00 AM

congrats sa new bed joy :D

alpha
http://alphadf.com/2008/04/25/lp-hugis-ay-pahaba/

Anonymous | Friday, April 25, 2008 12:26:00 PM

Sulit naman ang iyong paghihintay dahil ang ganda naman ng nakuha mong kama. :) Totoo nga ang kasabihang, "Good things come to those who wait"!

Happy weekend sa iyo!

Nina | Saturday, April 26, 2008 4:22:00 AM

Parang ang sarap mahiga sa bed nyo. Mahimbing ang tulog pag masarap higaan ang kama.